top of page

Pangalagaan Ang Ating Contactless Atm/Credit/Debit Card

  • Aug 4, 2018
  • 1 min read

Sa makabagong panahon ngayon na karamihan ng mga bagay ay sumusunod

sa mga bagong teknolohiya, wastong pag-iingat ang kinakailangan. Halimbawa

na lang ang mga bagong credit card na mayroong contactless feature, nakapa-

ngangamba na maaaring magamit ang inyong card lingid sa inyong kaalaman.

Kapag ang inyong atm/credit/debit card ay may simbolo ng katulad ng nasa larawan sa ibaba, nangangahulugan na ito ay contactless.

May ilang bangko na mayroong lock/unlock features sa online banking services, makatutulong ito sa seguridad ng ating atm/credit/debit card. Mapapangalagaan din ang ating atm/credit/debit card kung ito ay ilalagay sa Radio Frequency Identification (RFID) Blocking Credit Card wallet na maaaring mabili mula sa mga department or online stores.

Mangyaring panoorin ang video na ito upang lubos na maunawaan ang panganib

na maaaring idulot ng contactless card.

Ating mapapangalagaan ang ganitong panganib kung ang ating card ay ilalagay

natin sa RFID Blocking Wallet. Panoorin ang isa pang video na makakapagpapatunay na ang ganitong uri ng wallet ay mabisa.

Maaari kong imungkahi ang eleganteng RFID Blocking Leather Wallet na aking nabili mula sa isang online store. Maaaring magkasya dito ang sampung cards bukod pa sa mayroon din ito ng dalawang ekstrang sisidlan para sa mga barya o salaping papel. Mayroon ding nabibili sa market na sisidlan para sa indibidwal na pangangailangan.

 
 
 

Comments


RECENT POSTS

FEATURED POSTS

FOLLOW US

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Pinterest Icon
bottom of page