Overruns: Orihinal Ba Ang Mga Ito O Ano?
- Aug 20, 2018
- 1 min read
Hindi na naman siguro bago sa ating mga Pinoy ang katagang "Overruns". Ating mabibili sa merkado ang mga produktong overruns sa halagang 50-80% na mas mababa sa mga presyo ng mga tindahan sa mga mall. Pero ano nga ba talaga ang mga ito? Ang mga ito ba ay orihinal o mga peke at huwad na produkto?

May mga nagsasabi na ang mga ito ay orihinal at mga sobra o labis na produkto na walang espasyo sa mga tindahan sa mall. Kailangan ng manufacturer nito na ikamalig o ibodega pa ang mga ito at maghintay ng tamang panahon para tanggapin ng mga tindahan. Sa halip na bumayad pa sila ng bodega, ibinebenta na lamang nila ang mga ito sa halagang mas mababa at palalabasin na ang mga ito ay overruns, hindi nila maaaring ipahayag na orihinal ang mga ito dahil mayroon silang kasunduan ng mga tindahan para sa kalakarang halaga sa merkado. Mayroon din nmang mga nagsasabi na ang mga ito ay may kaunting depekto o gahi at hindi nakapasa sa quality control.
Sa aking paghahanap ng mga kasagutan, nasa estado pa rin ako ng walang katiyakang konklusyon. Bumili pa ako ng isang overruns t-shirt sa halagang nakatipid ako ng 70% upang magkaroon ako ng kuru-kuro. At masasabi kong ako ay nasiyahan sa aking nabili, orihinal man ito o huwad, wala akong pagkakakilanlan, at para sa akin ay malaking bagay na ang aking naging katipiran bukod pa ang masasabi kong meron ako ng ganitong branded t-shirt, hahaha.
Ano't-anoman, ang mga mamimili na ang may kakayahang humusga sa kalidad sakaling makabili sila ng mga branded overruns.
SamutSamot












Comments