top of page

Smart Home: Halina at Makiisa sa Makabagong Teknolohiya

  • Aug 14, 2018
  • 1 min read

"Lights", ito ang sambit ni Amber Mendez sa isang eksena sa pelikulang The Running Man (taong 1987 na pinangungunahan nina Arnold Schwarzenegger at Maria Conchita Alonzo), at napuno ng liwanag ang kapaligiran. Ang balangkas ng istorya ay para sa hinaharap, taong 2017-2019.

Salamat sa makabagong teknolohiya, ang nasabing eksena ay makatotohanan na sa ngayon. Maraming aparato o kagamitan ang sa ngayon ay maaari nang pamahalaan o pangasiwaan sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga ito gamit ang boses o mga aparatong pangkontrol. Mayroon na ngayon ng mga ilaw o bombilya na maari nang buksan o patayin gamit ang aparatong pangkontrol.

Maari nang gamitin ang ating cellular phone sa pagkontrol sa mga kagamitan tulad ng telebisyon, airconditioner, dvd player, camera, ilaw o bombilya, at iba pa na may kakayahang tumanggap ng bluetooth o infrared signal. Hindi na malaking abala halimbawang mayroon tayong nakaligtaang patayin sa ating mga aparato matapos nating lisanin ang ating tahanan. Maaari nang makontrol ang mga ito kahit ikaw ay nasa opisina, palengke, mall, o habang ikaw ay nasa pasyalan. Halina at makiisa sa makabagong teknolohiya. Mangyaring mag-iwan ng mensahe sa pahinang ito at aming tutugunan ang inyong mga katanungan sa abot ng aming makakaya.

 
 
 

Comments


RECENT POSTS

FEATURED POSTS

FOLLOW US

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Pinterest Icon
bottom of page