top of page

Plogging; Halinang Simulan Sa Ating Lugar

  • Sep 2, 2018
  • 2 min read

Sa mga mahihilig mag-ehersisyo sa pamamagitan ng paglalakad, jogging (mahinay na pagtakbo), at pagtakbo, maaari nating gawin ito sa pagpa-plogging. Ang plogging ay kombinasyon ng mahinay na pagtakbo at pamumulot ng basura o kalat (Swedish: plocka upp). Ito ay sinimulan bilang isang organisadong aktibidad sa Sweden noong 2016 at umani ng papuri at lumaganap sa ibang bansa ngayong 2018, kasunod ng malawakang pagmamalasakit sa polusyon.

Bilang pag-eehersisyo, ang plogging ay nakapagbibigay sa ating katawan ng kaibhan o baryasyon sa ating pag-galaw dahil nadaragdagan tayo ng pagyuko (bending), pag-tingkayad (squatting), at pag-iinat (stretching) sa pangunahing aksyon o pag-galaw ng mahinay na pagtakbo (jogging).

Ang Amerikanong awtor na si David Sedaris ay pinagsama ang pamumulot ng kalat at pag-eehersisyo sa mga distrito ng West Sussex na Parham, Coldwaltham, at Storrington, sa pagsasagawa ng humigit-kumulang ng 60,000 na pag-hakbang bawat araw sa kagustuhan niya ng malinis na kapaligiran. Naging epektibo ito sa kanilang komunidad hanggang sa ipangalan sa kanya ang isang behikulong pangbasura ng lokal na awtoridad. Ang Lord Lieutenent of West Sussex na si Susan Pyper ay nagsabing ang tanda ng behikulo ay angkop na paraan ng pagpapa-abot sa kanya (David Sedaris) ng pasasalamat at itinuturing siya bilang lokal na bayani.

Sinimulan naman ni Erik Ahlström ang plogging sa kabisera ng Sweden na Stockholm. Siya ang lumika ng website na Plogga, upang bumuo at magtatag ng komunidad at humimok ng iba pa upang sumali.

Ang organisasyong Keep Amerika Beautiful ay itinataguyod ngayon ang plogging sa kanilang mga kaanib at napag-alaman na mayroon nang iba na pinapalaganap ang ehersisyo kasama ng kalinisan, tulad ng programang Trashercize sa Tennessee.

Ang pagkahumaling sa plogging ay sinimulan na rin sa Baguio City noong Marso, 2018. May sampung katao ang nagtipon-tipon at sinimulan ang unang pangyayari ng plogging sa syudad sa pamamagitan ng pagtakbo kasabay ang pamumulot ng mga kalat sa kapaligiran ng John Hay eco-trail, South Drive, at Loakan Road. Sa dalawang oras ng plogging, ang grupo ay nakakolekta ng 6 na bag ng basura.

SamutSamot


 
 
 

Comments


RECENT POSTS

FEATURED POSTS

FOLLOW US

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Pinterest Icon
bottom of page